
Sa pagtataguyod ng Teresita Gimenez Maceda Lecture Series, handog ng Larangan ng Malikhaing Pagsulat ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP), sa pakikipagtulungan ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing (ICW), ang “Trip ni Lee,” isang panayam sa Pambansang Alagad ng Sining para sa pelikula at sining ng brodkast na si Ricky Lee.
Susundan ito ng “Malikhaing Pasabog,” kuwnetuhan ng mga premyadong manunulat ng DFPP, na magtutuloy sa paglulunsad ng Manlilikha 2 at 3.
Magaganap ang mga nasabing programa sa ika-10 ng Disyembre 2024, 1:00-4:00 ng hapon, sa PH 1131, Palma Hall, UP Diliman, Quezon City.
Malugod na iniimbitahan ang lahat.
Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng DFPP: https://www.facebook.com/dfpp.cal.upd