Quantcast
Channel: University of the Philippines
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1616

Pagtaguyod ng “Some People Need Killing” ni Patricia Evangelista, nagtapos sa UP Diliman

$
0
0
Ang awtor at peryodistang si Patricia C. Evangelista nagbabasa ng mga bahagi ng kanyang akdang “Some People Need Killing: A Memoir of Murder in My Country.” Litratong kuha ni Misael Bacani, UP MPRO.

 

Muling bumalik sa ikalawa at huling pagkakataon sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman ang awtor at peryodistang si Patricia C. Evangelista para sa huling paglalayag ng kaniyang librong “Some People Need Killing: A Memoir of Murder in My Country.”

Inorganisa ito ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), sa pangunguna ni Girlie Linao, pangulo, katuwang ang UP College of Mass Communication (UP CMC) at ang mga mag-aaral mula sa Tinig Plaridel. Tugon ito sa obheto ng Malayang Mamamahayag, Responsableng Pamamahayag at maging ang pagdiriwang sa Pandaigdigang Kalayaan sa Pamamahayag ngayong taon.

Sa pagbukas ng programa ni Dekano Fernando Paragas ng UP CMC, pinagtibay niya na ang libro ni Evangelista ay isang mahalagang hakbang sa pagtalakay sa mga naranasan ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Paragas, “The real remedy to this wound in our national psyche is to acknowledge it. To diagnose it. To discuss it. To find what causes it and how it can be healed.”

Tinalakay ni Evangelista ang nilalaman ng kaniyang libro bilang pananalamin sa iilang mukha ng malawakan at tahasang pagpatay sa “War on Drugs” ni dating pangulong Duterte. Nailahad ni Evangelista na bilang isang trauma journalist, lagi’t lagi, “ The future is always bright for us Filipinos because we don’t remember the past. The journalist’s role is to tell that story, to keep a record in the hope that at some point record matters. But even if it doesn’t, as long as there is a record, we don’t deny it happened at all.”

Binanggit din ni Evangelista, bilang dating estudyante ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP Diliman, na “sa UP ako nagsimulang maging reporter, at ang naitulong ng UP sa akin ay nalaman ko na hindi ka pwede pumikit kapag namulat ka na. Nalaman ko rin na may malaking pagkakaiba—kahit iskolar ka ng bayan, malaki ang pagkakaiba—sa utang natin sa bayan kaysa sa utang natin sa pamahalaan. So I think for the last 15 years, I’ve been trying to figure out what I owe, and what I owe is not even to the University, but it’s to the people like all of us.”

Kinilala noong Oktubre 2023 ang “Some People Need Killing” bilang isa sa New York Times’ 10 Best Books of 2023, the New Yorker’s Best Books of 2023, TIME Magazine’s 100 Must-Read Books of 2023, at kamakailan lang ay nanalo sa 2024 Helen Bernstein Book Award for Excellence in Journalism.


Kaugnay na kwento: Pamamahayag bilang pagmamalasakit: Ilang tala hinggil sa ‘Some People Need Killing’


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1616

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>